^

Metro

3 ‘tulak’ tiklo sa halos P1-M shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 �tulak� tiklo sa halos P1-M shabu

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang bigtime na tulak ng ilegal na droga ang nadakip kasabay ng pagkakasamsam sa kanila ng tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

 Nakilala ang mga nadakip na sina Daniel Cruz Antonio, 35-anyos, binata, at residente ng No. 271 Maginoo St., Brgy. 104, Zone 8, Tondo, Manila; Julius Ceazar Nuñez Obias, 25, residente ng Area C, Chess Clinic Compound, Brgy. 186, Tramo, Pasay City; at Julius Sucuaje Quirao, 27, ng No. 704 C-22, Brgy. 157, Malibay, Pasay City.

 Sa ulat, alas-5:35 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng NCRPO-Regional Drug Enforcement Unit at Caloocan  City Police-Station Drug Enforcement Unit sa kanto ng Bonifacio Street at Samson Road sa Brgy. 11 Zone 7 District 1. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mapalibutan ng mga pulis matapos na magbenta ng isang pakete ng shabu sa poseur buyer na nag-abot ng P1,000 marked money.

 Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong malaking sachet ng 120 gramo ng shabu na may halagang P816,000. Nakumpiska rin ng mga pulis ang sasakyang Nissan Cefiro (XSA 507) kung saan nadiskubre pa ang isang plastic sachet ng 20 gramong shabu sa loob nito.

vuukle comment

ARRESTED

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with