Dahil dito, binalaan kahapon ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga food at retail businesses sa lunsod na sumunod sa citywide plastic ban at gumamit ng mga environment-friendly packaging at dining utensils.
Edd Gumban
Makati nagbabala laban sa plastic
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinaalarma ng pamahalaang lunsod ng Makati ang  lumalalang problema sa plastic pollution matapos tukuyin na ang Pilipinas ang nangungunang pinanggagalingan ng tone-toneladang plastic waste na naaanod sa karagatan sa buong mundo at nagiging sanhi ng pagkasira ng marine life. 

Dahil dito, binalaan kahapon ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga food at retail businesses sa lunsod na sumunod sa citywide plastic ban at gumamit ng mga environment-friendly packaging at dining utensils.

Ginawa niya ito matapos makatanggap ng report mula sa Department of Environmental Services na ang ilan sa mga  food establishment  ay may paglabag sa Solid Waste Management Code ng lunsod.

Ayon kay  DES chief Leopoldo Parumog, sa 2,269 retail establishments at food outlets na ininspeksiyon ng Plastic Monitoring Task Force (PMTF) teams, nabatid na 114 o limang porsiyento dito ang lumabag sa plastic ban.

ABBY BINAY PLASTIC POLLUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with