^

Metro

4 ‘tulak’ arestado sa P1-M shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� arestado sa P1-M shabu
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng tanghali nang unang madakip ang small time na tulak na si Marife Dominguez.
File Photo

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bag­sak ng apat na katao kabilang ang dalawang ‘big-time’ na supplier ng iligal na droga na pinagkukunan umano ng mga notoryus na tulak ng shabu sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at lalawigan ng Bulacan habang nasabat mula sa kanila ang tumataginting na P1-milyong halaga ng droga sa ikinasang drug-bust ng mga otoridad sa lungsod ng Caloocan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng tanghali nang unang madakip ang small time na tulak  na si Marife Dominguez.

Nang isailalim sa interogasyon si Dominguez ay ininguso naman nito ang isang kabaro nitong tulak na si Joce­lyn Dalagan na agad namang dinakip ng mga otoridad dakong alas-2:00 ng hapon sa Brgy.15 sa naturang lungsod.

Dito ay ikinanta na rin ni Dalagan ang pi­naka-main source ng kanilang supply ng droga na si Kenneth Maclan, 42-anyos, negosyane at residente ng #24 Don Basilio Blvd., Dampalit, Malabon City, na agad na nadakip sa follow-up operation ng pulisya sa Mac Arthur Highway, Meycauayan, Bulacan.

Nakumpiska mula kanila ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 150 gramo at  nagkakaha­laga ng P.5 milyon at Hyundai Sonata na kotse na gamit nila sa kanilang operasyon.

Samantala, alas-10:30 ng gabi naang madakip naman ng mga otoridad ang isa pang ‘big time’ na tulak na kini­lalang si Ian Insa, alyas “Nino”, taga-Ton­do, May­nila, sa ikinasang ope-rasyon sa 3rd  Ave., BMBA Compound, Brgy. 120 ng lungsod ding ito.

Narekober mula sa kanya ang tatlong ma-laking sachet ng shabu na may timbang na 150 gramo at may halagang P.5-milyon, P7,700 buy-bust money at isang Mitsubishi Mirage na gamit niya sa operasyon.  

vuukle comment

DRUG PUSHER ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with