^

Metro

3 huli sa sako ng marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 huli sa sako ng marijuana
Prinisinta kahapon ni NCRPO chef Guillermo Elea­zar at Kamuning Station 10 chief Supt. Ariel Capocao ang may 12 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4 milyon na nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Arestado  ng mga awtoridad ang tatlong binata matapos na makumpiskahan ng isang sakong pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng hatinggabi.

Ang tatlong suspek ay iniharap kahapon sa mga mamamahayag nina National Capital Region Police Officce (NCRPO) Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar at Quezon City Police District (QCPD) Dir. P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ay nakilalang sina Mark Philip Jualan, 27; Juan Soriano, 27 at Eli Jordan Bringas, 24.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Wilmore Bataanon, nabatid na ang tatlo ay nadakip  dakong alas-11:45 ng hatinggabi sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng QCPD Station 10 sa Congressional Avenue corner Gabriela Silang St., Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon kay QCPD Station 10 Commander P/Supt. Ariel Capocao, tinatayang nagkakahalaga ng P300,000 ang nakumpiskang marijuana sa tatlo.

Sinabi ni Capocao, ang tatlo ay ikinanta ng una nilang nadakip na suspect na siyang pinagkukunan niya ng marijuana.

Hindi naman nagtangka pang lumaban ang tatlong nadakip na ngayon ay nakakulong na sa QCPD station 10 detention cell at nahaharap sa kasong drug pu­shing.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with