^

Metro

21 construction projects sa Makati, ipinatigil ni Binay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
21 construction projects sa Makati, ipinatigil ni Binay
Ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay sa Officer-In-Charge ng Office of the City Building Official (CBO) na si Elmer Acuesta, na mag-issue ng Notices with Stoppage Order para sa pagpapatigil ng 21 construction projects dahil sa paglabag ng mga ito sa probisyong nakasaad sa National Building Code of the Philippines o P.D. 1096.
File Photo

MANILA, Philippines — Nasa 21 construction projects ang pinatigil kahapon ng pamahalaang lungsod ng Makati matapos lumabag ang mga ito sa Building Code.

Ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay sa Officer-In-Charge ng Office of the City Building Official (CBO)  na si Elmer Acuesta, na  mag-issue ng Notices with Stoppage Order para sa pagpapatigil ng  21 construction projects dahil sa paglabag ng mga ito sa probisyong nakasaad  sa  National Building Code of the Philippines o P.D. 1096.   

Ang mga may violation na construction project  ay matatagpuan sa Brgy. Cembo (6); East Rembo (3); West Rembo (2); Palanan (1); Kasilawan (1); Poblacion (1); Pinagkaisahan (1); San Isidro (1); San Lorenzo (1); Guadalupe Nuevo (1); Pitogo (1); Bangkal (1); at San Antonio (1).    

Ayon kay Binay, ang pagpapatigil ng mga naturang proyekto ay nagsisilbing babala sa lahat na ang pagpapatayo o paggawa ng anumang istraktura, residential man o pang-komersyo ay kinakaila­ngang alinsunod sa batas.

Dapat aniya ang  pangunahing prayoridad ng may-ari ng bahay o building pati na ng contractor ay ang kaligtasan at kapakanan ng mga naninirahan o namamalagi dito, kabilang na ang mga miyembro ng pamilya, mga manggagawa, at mga kliyente o kostumer.

Sinabi pa ni Acuesta, nilabag ng mga kontraktor ang Section 301 at Section 1102 ng Building Code, pati na ang Rule XI para sa Protection of Pedestrians during Construction or Demolition, sa ilalim ng revised Implementing Rules and Regulations nito.

Sa administrative liabi­lity, ang offender ay maaaring patawan ng multang hindi hihigit sa P10,000.

Sa criminal liability naman, ang sinumang mapapatunayan sa korte na nagkasala ay papatawan ng hindi hihigit sa P20,000 o di kaya pagkakakulong ng hindi hahaba sa dalawang taon o parehong ipapataw ayon sa desisyon ng korte.

Kapag ang nagkasala ay isang corporation o kompanya, partnership o association, ang parusa ay ipapataw sa mga opisyal  at kapag isang banyaga ang guilty party, kaagad itong ipapa-deport matapos bayaran ang multa at  o ma-serve ang kanyang sentensya.

vuukle comment

CONSTRUCTION PROJECTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with