^

Metro

3 paslit nasagip: Ina, 3 kaanak timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid na paslit na ginagamit ng kanilang ina at 3 pang kapamilya  sa online pornography ang nasagip sa isinasagawang joint operation ng PNP Anti-Trafficking in Persons Division (ATIPD), Women’s and Children Protection Center (CDPC) at  Malabon City Police,  kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Ang magkakapatid na  biktima ay pawang nasa edad 2; 4 at 6-anyos,   habang nadakip naman ang kanilang ina na si  Marynel Cruz, 26; kapatid nitong si  Mary Jane, 24; mga magulang   nilang sina Mary Levy, 47 at  Nelson, 51.

Ayon sa hepe ng Malabon City Police na si Senior Supt. Harry Espela, alas-11:45 ng gabi nang salakayin nila  ang  #10 Sulucan St.,  Brgy. Hulong Duhat ng naturang siyudad sa pamumuno ni ATIPD head Sr. Supt. Villamor Tuliao sa tulong ng International Justice Mission.

Ayon kina  WCPD investigators, nadiskubre aniya ng ATIPD  ang iligal na gawain ng mga suspect  dahil na rin sa impormasyon ng  Norwegian police nang madakip nila ang isa sa mga kliyente ng mga ito sa bansang Norway.

Dahilan upang magsagawa ng surveillance  ang mga pulis sa lugar  at nang magpositibo ay dito na nila isinagawa ng pagsalakay sa pamilya Cruz.

Naaktuhan pa ng pulisya  ang mga biktima na  isinasalang sa online pornography ng mga suspect,  na kanilang kaanak kapalit ang bayad na  dolyares sa mga kliyente nitong dayuhan.

Nabatid, na inamin ni Marynel kay  PO2 Belza,  una siyang nag-offer ng sexual act sa pamamagitan ng internet at nang magsimulang humiling ang mga kliyente nilang  dayuhan  nais nila  batang babae ang makita nila, kung kaya’t dito na aniya isinalang ang kanyang anak na babae sa online pornography.

Narekober ng mga pulis ang electronic dildo, laptop, router, flash disk, 3 smart phones, sim card, nighties  at money remittance..

Ang nadakip na mga suspect ay sasampahan ng mga  kasong paglabag sa Republic Act No. 9208, or the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003; Republic Act No. 9775, or the Anti-Child Pornography Act of 2009; Republic Act No. 7610, or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, and grave scandal in relation to the Electronic Commerce Act.

vuukle comment

PNP ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS DIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with