^

Metro

Quezon City government may programa sa mga tambay – Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok  ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga nahuling tambay na magsimulang muli at lumahok sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Belmonte, ang mga tambay, karamihan ay mga walang trabaho, ay dapat na tinutulungan ng lipunan at ng pamahalaan para mapabuti ang kanilang pamumuhay at huwag ituring na kriminal.

“If they are of working age, willing tayong saluhin sila.  We have skills training program. They can also enroll in our community college,” pahayag ng bise alkalde.

Ang mga programang pangkabuhayan ng City Hall, ayon pa kay Belmonte, ay bukas naman sa lahat ng residente.

“We shouldn’t judge them just because they’re tambay. We should encourage them to be productive. They still have hope in this city,” ani Belmonte.

Umabot na sa 8,000 tambay ang pinagdadampot ng Philippine National Police (PNP) sa buong Kamaynilaan isang linggo matapos iutos ni Pangulong Duterte ang pagpapaigting ng kampanya laban sa mga tambay sa kalye.

Nagpahayag ng pagsuporta dito si Belmonte.  Aniya, mahigpit na pagpapatupad lang ito ng iba’t ibang lokal na ordinansa laban sa pag-iinom sa kalye,  paglabag sa curfew, at paglalakad ng hubad sa kalsada.

Nanawagan si Belmonte sa mga tambay na samantalahin ang mga libreng programa ng Office of the Vice Mayor tulad ng mga skills training courses na pinapatupad ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation, Inc. (QCSLFI).

“Mayroon tayong programs na pwedeng pasukan katulad ng community college at ibang skills and livelihood programs ng lungsod,” sabi ni Belmonte.

vuukle comment

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with