Tandem na holdaper, dedo sa shootout
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa napatay ang holdaper na riding-in-tandem  nang makipagbarilan sa pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-Manila at Manila Police District-Station 1 sa Balut, Tondo, May­nila, kahapon ng madaling araw.

Dead on-the-spot ang dala­wang suspek na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Sa ulat, isang Vanessa Joy Cruz, 33, casino chips runner na residente ng Katamanan, Tondo ang biktima  ng holdap ng mga suspek.

Naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng mada-ling araw kahapon sa Marala St., panulukan ng Honorio Lopez St, sa Barangay 128, Zone 10, Balut, Tondo.

Namataan ang dalawang suspek batay sa ibinigay na deskripsiyon ng biktima. Sakay ang mga suspek sa kulay asul na motorsiklo na walang plaka. Nang mapansin ng mga suspek ang presensiya ng mga pulis ay nagtangkang tumakas habang pinapuputukan ang papalapit na mga awtoridad na walang tinamaan.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa makarating sa Marala St., sa panulukan ng H. Lopez na nagtang­kang magmaniobra ng motorsiklo ang mga suspek su-balit tinamaan na sila ng mga ganti ng putok na kagyat na rin nilang ikinasawi.

CRIME CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-MANILA AT MANILA POLICE HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with