^

Metro

Dalagang ‘tulak’ ng high school students, arestado

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang 18-anyos na dalagang ‘tulak’ na nagbebenta  ng droga sa mga high school student sa isang paaralan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Ale­xander Santos ang suspect  na isang Princess Cordova.

Ayon kay Santos, naaresto ang suspect alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa ikinasang anti-criminality operation  ng kanyang mga tauhan sa J. Ramos St., Brgy. Tipas ng naturang siyudad.

Nabatid na pawang mga estudyante ng Tipas High School ang parokyano ng suspect kung saan ibinebenta umano nito sa hala-gang P800 ang kada sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakumpiska ng mga pulis  mula sa suspect  ang nasa 180 plastic sachet ng marijuana na may street value  na P18,000.00.

Sabi ni Southern Police District (SPD), director, Chief Supt. Tomas  Apolinario Jr., dapat din aniyang magpatupad ng programa kontra droga ang pamunuan ng mga  paaralan, tulad ng random ins­pection sa mga estud-yante.

vuukle comment

ARRESTED

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with