Karnaper dedo sa engkwentro
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Todas ang isang hinihinalang karnaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis na rumesponde nang tanga­yin nito at kasabwat ang motorsiklo ng isang babae, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patuloy na kinikilala ng mga pulis ang napaslang na suspek na isa sa tumangay sa Suzuki Raider J sa biktimang  si Tiffany Chantel McBride.

Sa inisyal na ulat, sakay ng kanyang motorsiklo si McBride dakong ala-1:20 ng madaling araw nang harangin ng dalawang lalaki na armado ng baril sa may Tala Ceme­tery sa Phase 7 sa Brgy. 176 Bagong Silang.

Puwersahang tinangay  ng mga salarin ang motorsiklo ng biktima na agad na­mang nakapagsumbong sa Police Community Precinct 3 na nagkasa ng ‘dragnet ope­rations’.

Nang mamataan ang mga salarin, nagkaroon ng maigsing habulan hanggang sa makorner ang isa sa kanila. Sa halip na sumuko, pinaputukan umano ng salarin si PO1 Allan Hermoso na nagawang makakubli. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang sa salarin.

Inalarma naman ngayon ang motorsiklo na tinangay ng isa sa salarin habang patuloy ang manhunt ng mga pulis.

KARNAPER PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with