^

Metro

3 ‘Akyat-Bahay’ todas sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumimbuwang   noon din ang tatlong hinihinalang mga miyembro ng ‘Akyat-Bahay’ gang matapos na pumalag at makipagbarilan sa mga rumes­pondeng tauhan ng Quezon City Police District sa magkasunod na engkuwentro sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng QCPD-Batasan Police Station 6, dakong alas-2:00 ng madaling araw, unang napatay ang dalawang miyem­bro na kinilala lamang sa mga alyas na “Ri-gor”, nasa edad 35-40, at “Rak-Rak”, nasa edad 25-30.

Rumesponde ang mga pulis sa tawag ng mga security personnel ng Filinvest 2 Subd. sa Brgy. Batasan Hills hinggil sa dalawang suspek na nanloob sa isang bahay dito.

Pagdating ng mga pulis sa nasabing bahay ay agad silang pi­naputukan ng mga suspek dahilan upang gumanti ang mga parak na ikinasawi ng dalawa.

Narekober mula sa dalawang suspek ang dalawang kalibre .38 revolver, backpack na naglalaman ng martil­yo, screw driver, at isang pouch na nagla­laman ng mga sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Samantala, sa ulat naman ng QCPD-Novaliches Police Station 4, dakong alas-2:50 ng madaling araw nang mapatay din sa engku­wentro ang isa pang miyembro sa Forest Hills Subd., sa Brgy. Gulod, Novaliches.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawan lamang na nasa edad na 25-30-anyos, may taas na 5’1”.

Namataan naman  ng mga pulis sa lugar ang mga di kilalang suspek, na kahinahinala umano ang kilos kaya’t sinita ang mga ito.

Dito ay agad silang pinaputukan ng mga suspek dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa habang mabilis namang nakatakas ang isa pang suspek. 

vuukle comment

AKYAT-BAHAY’ GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with