^

Metro

Anti-drug ops sa QC: 2 utas, 27 arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang hinihinalang notoryus na pusher ng shabu ang bumulagta matapos silang manlaban sa ikinasang drug-bust operation ng mga pulis laban sa kanila naganap sa Brgy. Milagrosa, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang mga suspek na kinilalang sina Danilo Valenzuela, at isang alyas ‘Bansot’, pawang mga nasa hustong gulang.

Sa ulat ng QCPD Police Station 8 na pinamumunuan ni SPO2 Albert Nipas, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust sa Extension Legaspi St ng naturang lugar kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nakabili ito ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000 mula sa mga suspek.

Gayunman, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ‘kliyente’ kung kaya’t agad nila itong pinaputukan.

Naging maagap naman ang mga alagad ng batas na nakapaligid lamang sa naturang lugar na gumanti rin ng mga putok dahilan upang bumulagta ang dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang dalawang baril at di pa batid na dami ng hinihinalang shabu.

Samantala, may 27 katao pa na hinihinalang pawang tulak rin ng iligal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng QCPD sa magkakahiwalay na operasyon mula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay sasampahan ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG-BUST OPERATION

PUSHER NG SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with