^

Metro

Nanlaban na pusher, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang sinasabing kilabot na tulak ng droga matapos itong manlaban at makipag­barilan sa mga umarestong alagad ng batas habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan sa ikinasang anti-drug operations, Sabado ng gabi sa Parañaque City.

Tumimbuwang noon din ang suspek na kinilala lang ng pulisya sa alyas na “Boy Tattoo”, edad 28-30 anyos.

Sa ulat ng Parañaque City Police, alas-5:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust laban sa mga suspek sa likuran ng isang malaking shopping mall sa may Sucat, Brgy. San Dionisio.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer na matagumpay na nakabili ng droga na nagkakaha­laga ng P1,000 mula sa mga suspek.

Ngunit, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransak­syon kung kaya’t agad nila itong pinaputukan.

Naging maagap naman ang mga alagad ng batas na nakapaligid lamang sa naturang lugar na gumanti rin ng mga putok dahilan upang bumulagta si Boy Tattoo habang mabilis namang nakatakas ang kasamahan nito. Narekober sa napatay na suspek ang isang kalibre .38 baril, dalawang plastic sachet   ng shabu at marked money.

vuukle comment

ANTI-DRUG OPERATIONS

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with