^

Metro

Driver utas sa parak na operator!

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dri­ver nang barilin ng isang pulis na kanyang operator sa ipinapasadang sasakyan dahil sa hindi umano pagre-remit ng boundary at kinarnap pa ang sasakyan, habang tatlong bystander ang nasugatan nang mabangga ng biktima habang papatakas kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Binawian ng buhay sa San Juan De Dios Hospital ang biktmang si Roderick Paulino, nasa 40-45-anyos, bunsod ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Ginagamot din sa nasabing ospital ang tatlong sugatang sina Joan Casilao; Ian Rence Marvida at Mary Lingay.

Nasa kustodya na ng pulisya ang suspect na si PO2 Aivan Shierri, 31, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 5 ng Pasay City Police. 

Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-7:20 kamakalawa ng gabi sa harap ng isang kilalang restaurant sa Roxas Bou­levard Service Road, kanto ng Redemptorist.

Ayon kay PO2 Shierri, driver niya si Paulino sa pag-aari nitong sasakyan (Avanza) at ginawa itong pampasahero. Simula aniya noong Hunyo 8, 2018 ay nabigo nang mag-remit ng boundary si Paulino sa kanya at  hindi na rin nagpapakita at ibinabalik ang kanyang sasakyan. Hinanap umano niya si Paulino para mabawi ang sasakyan nito hanggang sa mamataan niya nitong Bi­yernes ng gabi ang huli dala ang kanyang sasakyan sa naturang lugar. Nang makita naman ng driver na papalapit ang operator nitong pulis ay natakot at pinaharurot ang sasakyan. Sa sobrang pagmamadali ay nabangga pa nito ang tatlong nabanggit na bystanders.

 Dahil dito, niratrat na ng suspect ang papatakas na biktima hanggang sa tamaan sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang insidente, sumuko ang pulis sa kanyang mga kabaro na sumasailalim ngayon sa imbestigasyon.

vuukle comment

DRI­VER SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with