‘Salisi’ sa airport, timbog
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakma ng mga awtoridad  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang isang pinaniniwalaang miyembro ng ‘Salisi Gang’   sa north wing departure area cellphone charging station.

Base sa ulat ni Manila International Airport Autho-rity (MIAA) General Manager Ed Monreal, kinilala nito ang suspect na isang alyas Jericho Jude Baldonado, 41, ng   West Rembo, Makati City.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Marlon Fernandez Pancho, lowbat ang kanyang Lenovo cellphone kaya nag-charge siya   sa charging station sa Terminal 2. Napansin niya ang suspect na tinitignan ang kanyang telepono at biglang hinablot at mabilis na lumakad papalayo.

‘Hinabol ko ang suspect at nagsisigaw ako na harangin ito hanggang sa masukol ng mga awtoridad si Baldonado’ ayon pa sa biktima.

Sasampahan ng kaso si Baldonado sa Pasay City Prosecutor’s Office.

NAIA TERMINAL 2
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with