Pulis-Makati iisyuhan ng body cam ni Mayor Binay
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para sa transparency at monitoring, mag-iisyu ng body cameras sa mga pulis ang pamahalaang lungsod ng Makati.

Kahapon ay nai-turn-over ng pamahalaang lungsod ng Makati ang 22 brand new patrol vehicles sa Makati City Police.

Ayon kay Makati City Mayor Abigail Binay, nag-donate ang pamahalaang lungsod ng mga bagong patrol para higit na paigtingin ang police visibility kontra sa kriminalidad.

Nasa 18 units  ng Mitsubishi Strada at 4 na  units  ng Toyota Avanza ay ipinamahagi ng Makati City government na mainit namang tinanggap ng pamunuan ng Makati City Police sa pamamuno ng hepe nito na si Police Sr. Supt. Rogelio Simon.

Sabi ni Binay, mag-iisyu din aniya ng body cameras ang pamahalaang lungsod sa mga kapulisan para aniya sa monitoring at transparency. Bukod sa body cameras, magbibigay din sila ng mga motorsiklo para magamit naman sa mga iskinita.

Hindi naman nabanggit kung ilang body cameras at motorsiklo ang nakatakdang ibigay ng Makati City government.

ABIGAIL BINAY TRANSPARENCY AT MONITORING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with