_ngayon
^

Metro

Anak ng aktor/ rapper na si Francis M., kalaboso sa panghihipo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang anak ng yumaong aktor at master  rapper na si Francis Magalona matapos umanong hipuan ang empleyada ng isang bar sa Bonifacio Global City (BGC) Fort Bonifacio kama­kalawa sa Taguig City.

Kahapon alas-9:00 ng umaga ay ini-inquest na sa Taguig City Prosecutor’s Office dahil sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspect na si Francis Michael “Frank” Magalona.

Ang babae namang biktima ay 30-anyos, nagtratrabaho sa Revel at the Place, na matatagpuan sa BGC.

Ayon report na isinumite ng imbestigador na si P02 Clarissa Mamuag, ng Wo-men’s and Children  Protection Desk, Taguig City Police sa kanilang hepe na si Police Sr. Supt. Alexander Santos, base sa pahayag ng biktima, naganap ang insidente alas-3:00 ng madaling araw sa nabanggit na bar.

Kasalukuyan aniyang  isi-serve ng biktima  ang alak sa table ng grupo ni Magalona nang biglang dakmain ng suspect ang maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Paglingon ng biktima  ay nakita umano niya ang ka­may ng batang Magalona at lumakad itong palayo.

Agad namang isinumbong ng biktima sa kanyang supervisor ang insidente at humingi ng tulong sa mga bouncer,  na nagresulta ng pagkakaaresto sa batang  Magalona na kung saan agad itong dinala sa nasabing himpilan ng pulisya.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Ma­galona hinggil sa insidente.

BONIFACIO GLOBAL CITY FRANCIS MAGALONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with