Sinisiyasat ng mga tauhan ng MPD-SOCO ang bangkay ng Chinese national na inambus at napatay sa may Pedro Gil sa panulukan ng Roxas Blvd. sa Maynila kahapon ng madaling araw.
(Kuha ni Joven Cagande)
2 Chinese itinumba ng 2 riding in tandem
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang Chinese nationals na sakay ng isang SUV nang pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Huo Cheng Chen, residente ng Tondo, Maynila at Weishing Lee Chen, residente ng Malabon City na sakay ng Toyota Vios (UDV 966) nang maganap ang krimen.

Naitala ang insidente bandang ala-1:30 ng mada-ling araw sa panulukan ng P. Gil at Roxas Boulevard sa  bahagi ng Ermita, Maynila habang nakahinto dahil sa red signal light ang sasakyan ng mga biktima nang lapitan ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo at mabilis na pinaputukan ng baril ang harapan at tagiliran ng sasakyan na ikinasawi  ng mga biktima.

Dead-on-the-spot ang nakaupo sa passenger seat na si Hou Cheng habang  naisugod pa sa ospital su-balit dead-on-arrival din ang nagmamaneho na si Wei-shing Lee.

Hindi naman namuk­haan ng saksi ang mga suspek dahil nakasuot ng helmet.

Hinihinalang sinundan ang dalawang biktima ng mga suspek na posibleng galing sa isang casino, base sa mga nakuhang tiket ng casino sa kanilang sasak­yan.

Inaalam pa ang motibo   sa pamamaslang at kung sino ang nasa likod ng nasa-bing krimen.

CHINESE NATIONALS SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with