^

Metro

Lalaki nag-suicide matapos patayin ang karelasyon

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili ang isang lalaki makaraang patayin din niya sa saksak ang kanyang ka-relasyon matapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si Joanna Tracy, 30, nakatira sa Rosewood Pointee, Acacia Estate, Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Nasawi noon din ang suspect na si Rhandolf Sabares, tubong Pangasinan matapos nitong pagsasaksakin ang sarili.

Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, naganap ang insidente alas-2:15 ng hapon sa condominium na tinitirhan ni  Tracy  sa Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Bago ang trahedya, ayon sa kasambahay na si Gie Viray Malinao, sinundo ng biktima  ang suspect sa tinitirhan nito sa Pangasinan may apat na araw ng nakakalipas.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at sinabihan na ang biktima ang suspect na umuwi na ito sa kanila.

Dahil dito ay nairita ang lalaki at kinuha nito ang isang patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ito  ay tumakbo  sa basement ng naturang condominium ang suspect at dito niya naman pinagsasaksak ang sarili.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

vuukle comment

MAN STABS SELF DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with