^

Metro

2 ‘tulak’ bulagta sa drug bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang dalawang sinasabing ‘tulak’ ng droga  makaraang mauwi sa engkwentro ang drug bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Aurora Service Road sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala lamang sa alyas na Toto at Ariel ang dalawang nasawi na isang linggong isinailalim sa surveillance operation ng mga tauhan ng QCPD Station 10.

Ayon kay Supt. Ariel Capocao, Commander ng QCPD Station 10, dakong ala-1:25 ng gabi nang magsagawa ng buy- bust operation ang kanyang mga tauhan sa BLTB parking lot sa Brgy. Immaculate Concepcion, Aurora Service Road, Quezon City laban sa notoryus na ‘tulak’ ng droga.

Sinabi ni Capocao, ang dalawang napatay ay konektado umano sa ‘Monte de Piedad drug syndicate’ na una nang nadakip ng mga awtoridad.

Nabatid na nakatunog umano ang dalawang suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon dahilan para magpaputok ng baril si Toto habang bubunot na rin sana ng baril si Ariel na nagbunsod sa mga pulis na gumanti rin ng putok.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang smith and wesson na kalibreng .38 ng baril, 10-plastic sachet na naglalaman ng shabu at buy bust money na nagkakahalaga ng P1,000.

vuukle comment

DRUG BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with