^

Metro

40 biktima ng human trafficking nasagip ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may 40 kababaihan na biktima ng human trafficking sa isang apartment sa Maynila.

Ayon sa NBI, ang mga nasagip na papunta  sana sa Middle East ay natagpuang nakakulong sa isang apartment sa San Andres, Bukid.

Sa 40 nasagip, pito ang menor-de-edad. Ang mga biktima ay mula umano sa Minda­nao, partikular na sa Maguinda-nao at South Cotabato.

Hindi naman dinatnan ng mga ahente ng NBI ang may-ari ng apartment nang isagawa ang operasyon.

Ang pagkakadiskubre sa mga babaeng biktima ay nag-ugat matapos ha­ra­ngin ang isa sa mga ito na papuntang Saudi Arabia dahil nagduda ang mga immigration official sa edad nito.

Nagpanggap uma-no na 23-anyos ang babae na hindi pinaniwalaan at nang suriin nalaman na 17-anyos pa lamang ito.

Nang imbestigahan ng NBI, itinuro nito ang pinagkakanlungan ng iba pang mga biktima. Patuloy naman ang imbestigasyon ng NBI at nagsasagawa na ng follow-up ope­rations laban sa may-ari ng apartment.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with