^

Metro

2 Japanese trader, hinoldap ng ‘pulis’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang magkaibi­gang Japanese trader ang dumulog sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang ginawang panghoholdap sa kanila ng tatlong di kilalang lalaki, na kinabibilangan na isa na nagpapakilalang umano’y pulis sa Brgy. Balara, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Batay sa reklamo ng   mga biktimang sina Shoi-chi Ichimiya, 49, at Morita Shuyu, 53, kapwa pansamantalang naninirahan sa V. Hotel, sa Malate, Manila dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap  ang panghoholdap sa kanila sa Commonwealth, kanto ng Villa Beatriz sa Brgy. Balara.

Sa imbestigasyon ni PO3 Bronzon Saggot, im­bestigador ng Theft and Robbery Section ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, lumilitaw na bago ang panghoholdap ay sinundo ang mga biktima sa kanilang hotel sa Maynila ng isang nagpakilalang Simon Marcos, at ng di-kilalang driver lulan ng isang sasakyan.

Nagpakilala umano si Marcos na negosyante at sila ay magta-transak-siyon sa Quezon City, kaya naman dahil sa tiwa­la ay agad na sumama ang  mag­kaibigang Hapon.

Subalit pagdating sa nasabing lugar ay hinarang ang kanilang sasak­yan ng isang lalaking nagpakilalang pulis.

Agad na pinababa sa sasakyan ang dalawang Hapon at pinaiwan ang dala nilang travelling bag at mga dalang gamit, saka suma-kay ang nagpakilalang pulis at mabilis na pinaharurot   ang dala nilang get-away car.

Nabatid na ang travelling bag ng mga biktima ay naglalaman ng P40 milyong cash;  30,000,000 yen; wallet na naglalaman ng P40,000; dalawang cellphone at Nike backpack.

vuukle comment

JAPANESE TRADER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with