^

Metro

Higit P11-M shabu, nasabat sa bodega sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangkang pagpuslit sa bansa ng mahigit  2,375.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P11.87 milyon na itinago sa magkahiwalay na kargamento.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan, ang dalawang shipments na nasabat sa FEDEX warehouse na naglalaman ng shabu ay hindi biro ang halaga.

Batay sa impormasyon ni Talusan, unang nahuli ng mga taga-customs ang kontrabando noong April 27 na nakapangalan sa isang alyas Juey Cuenca ng Imus, Cavite na ipinadala ng isang alyas Stephanie Morse galing Amerika. 

Ayon kay Talusan, ang mga shabu ay itinago sa loob ng medicine cabinet na tumitimbang na 2,031 gramo, samantala ang isa pang kontrabano ay nakuha noong Abril 23, na nakapangalan sa isang alyas Susano Trinidad ng Cubao, Quezon City.

Ang shabu ay itinago sa unan na may timbang na 344.50 grams na ipinadala naman ni Audio Schit na nagmula sa California, USA.

Sinabi ni Talusan na ang dalawang kontrabando ay sumailalim sa profiling ng Customs-NAIA examiner at nakita ito pagdaan sa x-ray machine at sa tulong ng K-9 sniffing dogs at paggamit ng chemical identifier na nagpositibong illegal drugs.

Matatandaan noong Marso ay nakasamsam ang BOC-NAIA ng 42 tablets na Cyprotone Acetate & Ethinlestradiol na ipapadala sana sa Canada samantalang nakasabat din ang mga awtoridad ng 33.06 grams ng shabu at kush weeds na itinago sa loob ng toy doll na galing sa California,USA.

Noong April naman ay nakumpiska ng mga awtoridad ang may 962 pirasong Ecstacy tablets na galing Netherlands at 7,517.6 grams shabu na ipinadala sa ilang NAIA warehouse at isiniksik ang mga ito sa lego toys, baby crib at car seat.

Pinuri ni BOC Commissioner Isidro Lapena ang palagiang pagmamatyag ng mga awtoridad na mapigilan ang paglaganap ng illegal drugs sa bansa. 

vuukle comment

SHABU IN NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with