^

Metro

Midyear bonus sa Maynila, ibibigay na!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inutos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pamamahagi ng mid year bonus ng lahat ng  city hall employees alinsunod sa regulasyon ng national government.

Ayon kay Estrada, tiniyak ng city government na maayos ang pondong iririlis  at naaa­yon sa guidelines ng Commission on Audit’s (COA). 

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng empleyado.

Ani Estrada, sinisiguro niyang maibibigay ang lahat ng benepisyo ng mga empleyado lalo na’t wala ng utang sa tubig at kuryente ang city hall.

Pinagtutuunan  ngayon ng pansin ni Estrada ay ang pagsasaayos ng Maynila.

Idinagdag pa ng Alkalde na ang first at second tranche ng sahod ng mga guro, pulis at barangay ay naibigay  na rin.

Tiniyak din ni Estrada na tuluy-tuloy ang iba’t ibang programa kabilang ang libreng edukasyon, serbisyong medikal, trabaho at pabahay sa mga mahihirap na Manilenyo.

vuukle comment

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with