^

Metro

Shootout: Drug suspect, utas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang drug personality, na dating preso  at nasangkot sa ibat-ibang uri ng krimen ang nasawi matapos itong makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang suspect na si Aries Lumanlan, 21, ng  Brgy. 178, Zone 19, Maricaban ng naturang siyudad.

Base sa rekord ng pulisya, dating nakulong sa Pasay City Jail ang suspect dahil sa kasong robbery at droga bukod pa ang kasong rape.

Ayon sa report ng hepe ng Pasay City Police na si Police Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente alas-2:30 kahapon ng madaling araw sa Brgy. 179, Zone 19, Maricaban ng naturang siyudad

Ayon kay Flores, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU),  na isang grupo ng mga kalalakihan ang nagsasagawa ng pot session sa loob ng comfort room ng bahay ni Lumanlan.

Dahil dito, agad na nagkasa ng anti-illegal drug ope­ration ang mga pulis laban sa suspect.

Natunugan ng suspect na may paparating na mga alagad ng batas, dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang naturang operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis, na nagresulta upang duguang bumulagta ang suspect.

Narekober ng mga pulis ang ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia sa nasawing suspect.

vuukle comment

PASAY CITY SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with