_ngayon
^

Siklista bumangga sa barrier, todas

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Todas ang isang siklista matapos bumangga ang kanyang sinasakyang bi­sik­leta sa isang concrete barrier sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Marikina City, kamakalawa ng tanghali.

Nasawi ang biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center na kinilalang si Johnny Ifurong Turaray, nasa hustong gulang na re­sidente ng Brgy. Fortune, Marikina City, bunsod nang matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay, dakong 11:50 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa pakurbadang bahagi ng East Drive Street, malapit sa Fortune High School, sa Barangay Fortune.

Sakay ng kanyang bi­sikleta ang biktima at bi­nabagtas ang East Drive patungo sa direksyon ng silangan, nang pagsapit sa pakurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan ito ng kontrol at aksidenteng nabangga ang barrier sa kanang bahagi ng daan.

Sa lakas ng impact nang pagkabangga ay bumagsak ang biktima at tumama ang ulo sa semento.

Nakita naman ng isang tricycle driver at ng kanyang pasahero ang aksidente kaya’t nagpasyang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na naisalba pa ng mga doktor ang kanyang buhay.

Wala namang masisi ang pamilya ng biktima dahil ‘self accident’ ang nangyari.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER CONCRETE BARRIER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with