^

Metro

Piskal na inambus sa Quezon City inilibing na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihatid kahapon sa kanyang huling hantungan si Fiscal Rogelio Velasco, De­puty City Prosecutor Office ng Quezon City na tinamba­ngan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek noong May 11, sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Siyam na araw na pinag­lamayan at ibinurol si Fiscal Velasco sa Loyola Chapel, Quezon City bago siya inili­­bing sa Himlayang Pilipino.

Bago ang libing ay isang misa ang inialay ng pamilya, kaanak at kaibigan ni Ve­lasco sa Loyola Chapel. Idinaan ang labi ng fiscal sa Justice Hall ng Quezon City saka idiniretso sa Himlayang Pilipino.

Ayon kay Prosecutor Rey Garcia, Pangulo ng Que­­zon City Prosecutors League, uma­asa silang makakamit ni Velasco ang hustisya.

Una dito, nagtatag na ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ng isang Task Force na tututok at mag-iimbestiga sa kasong pagpatay kay Velasco.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel, Task Force Velasco ay pamumunuan ni P/Sr. Supt. Ronaldo Genaro Ylagan na siyang District Deputy Director for Operation. Makakasama ni Ylagan sa Task Force ang 8-member team mula sa iba’t-ibang unit ng QCPD para mabilis na maresolba ang kaso.

Lahat aniya ng posibleng motibo ng pagpatay kay Velasco ay kanilang tinitingnan. May sinusundan na umano silang malakas na lead at isa na dito ang may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang piskal.

vuukle comment

FISCAL ROGELIO VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with