^

Metro

500 kilo ng ‘botcha’ nasamsam sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
500 kilo ng �botcha� nasamsam sa Maynila
Ininspeksyon ng Manila Veterinary Inspection Board ang mga nasamsam na double dead meat o ‘botcha’ sa isinagawang operasyon sa Recto Avenue sa panulukan ng Juan Luna St. sa Tondo, Manila.
Kuha ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng mga tauhan ng  Special Enforcement Squad ng Veterinary Inspection Board ng Manila ang nasa 500 kilo  ng umano’y ‘botcha’ at frozen meats  na itinitinda sa kalye, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Dr. Nicanor Santos, head ng Special Enforcement Squad, namataan nila ang mga nakatiwangwang sa mga tray mga karne sa panulukan ng Juan Luna at C.M Recto Avenue, nang sila ay magsagawa ng routine inspection.

Nang lapitan ay naglaho ang mga tindera at iniwan na lamang ang mga karne na nilalangaw na nakadisplay sa mga tray habang ang  iba pa na pawang botcha ay nakalagay sa mga bayong.

Isasailalim sa pagsusuri o laboratory tests ang mga karne bago ito ibaon sa lupa na mistulang delikado na para makonsumo ng tao.

vuukle comment

VETERINARY INSPECTION BOARD NG MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with