^

Metro

P300-M natangay ng recruiter sa mga pinangakuang magtrabaho sa New Zealand

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa P300 milyon ang natangay ng dalawang babaeng recruiter mula sa 60 job seekers na nabigong makapagtrabaho bilang dairy farmers sa New Zealand.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 4, dumagsa ang reklamo sa kanilang pre­sinto laban sa mga suspek na sina Yvette Valdez, residente ng Batanes St., Sampaloc at Analyn Robiaz, na kapwa nagpapakilalang empleyado ng RYVT Travel Tour and Services, na matatagpuan sa 2005 España Boulevard, Sampaloc, na nakatangay ng malaking halaga at ngayon ay kapwa nagtatago.

Sa ulat ni PO1 Danilo Kabigting ng Station Investigation and Detective Management Branch, lumilitaw na ilang buwan bago ang transaksyon ay unang nakilala ng mga complainant si Robiaz, sa rekomendasyon ng isa ring complainant at nahimok sila na mag-aplay bilang dairy farmers sa New Zealand na malaki ang sweldo.

Pawang nagmula sa iba’t-ibang lalawigan ang mga nabiktima na ang ilan ay nalubog sa utang at nagbenta pa ng mga ari-arian para sa placement fee na tig-P300,000. Naganap ang pagbabayad sa bahay ni Valdez sa Sampaloc, kung saan pansamantala pang pinatuloy ng mga suspek ang ibang complainant upang kunin ang tiwala ng mga ito. Gayunman, nang makumpleto na ng mga complainant ang bayad sa mga suspek ay naglaho ng parang bula ang mga ito at hindi na nila makontak pa.

Huli umano nilang nakausap ang mga suspek noong nakaraang linggo para sa huling briefing bago ang kanilang biyahe, ngunit hindi naman sila nakaalis ng bansa.

Natukoy sa isinagawang beripikasyon sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ‘peke ang RYVT Travel Tour and Services, at sina Valdez at Robiaz ay kapwa hindi awtorisadong mag-recruit o magpadala ng mga manggagawa sa ibayong dagat.

Nakita rin sa beripikasyon na may nakasampang reklamo illegal recruitment noong Pebrero laban sa dalawa ng 5 pang nabiktima na pawang nagmula rin sa iba’t ibang lalawigan.

Tinutugis na ang dalawa na nahaharap sa large scale illegal recruitment at syndicated estafa.

vuukle comment

FAKE RECRUITER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with