^

Metro

Lola pisak sa bumagsak na crane

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola pisak sa bumagsak na crane
Ang bahagi ng crane na bumagsak at nakapatay sa lola na si Rosalinda Mendez, 74 kahapon ng umaga sa Pag-asa Compound sa Brgy. Old Balara sa Quezon City.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Patay ang isang 74-anyos na lola makaraang mabagsakan ng naputol na crane habang nagwawalis malapit sa isang construction site sa Brgy. Old Balara, Quezon City  ka­hapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rosalinda Mendez na nagtamo ng matinding sugat sa katawan partikular na sa kaniyang ulo at idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sa ulat ng tanggapan ni Quezon City Police District P/Chief Supt. Joselito Esquivel, bandang alas-5:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang nagwawalis ang matanda nang aksidente itong mabagsakan ng ibabaw na bahagi ng crane na tumama sa matanda.

Agad namang sumaklolo ang mga residente sa lugar at isinugod sa pagamutan ang matanda pero nabigo ng maisalba ang buhay nito matapos na magtamo ng matinding sugat sa katawan partikular na sa kaniyang ulo.

Sa pahayag ng testigong si Ayen Infante sa mga awtoridad  ang nasabing crane ay gamit ng contractor na NovaBala Corporation sa mga proyekto ng  Manila Water.

Sa pahayag naman ni  Manila Water Corporate Communications Chief Jeric Sevilla,  ang nasabing crane ay gamit sa project upang ma­dagdagan ang idini-deliver na tubig galing sa La Mesa Dam patungo sa kani­lang planta sa Old Balara sa lungsod.

“There is a hole in the ground that pulls a casing mechanism, which resulted in the collapse of the crane. This is the initial information that we have for now,”  pahayag ni Sevilla.

Inihayag pa ng opisyal na pansamantala nilang ipatitigil ang proyekto upang alamin kung nagkaroon ng pagkukulang sa pagtiyak sa seguridad ng sinuman sa lugar. 

vuukle comment

GRANDMA DIED FROM FALLING CRANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with