^

Metro

Killer pa ng doktora/dean, dedo sa pulis

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isa sa mga  suspect  sa pananaksak at pagpatay sa isang doktora na dean din ng  College of Medicine ng University of Perpetual Help matapos umano itong mang-agaw ng baril sa isa sa mga escort nitong police habang ipapa-medical  ito kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan at patay na nang dumating sa pagamutan  ang suspect na si Rodelo Lava, alyas Rodel, 38,  isang bus dispatcher at nakatira sa  Tanza, Cavite.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-7:00 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Brgy. Pamplona 3, Las Piñas City.

Bago ang insidente, na-dakip ang suspect  nang  mga kagawad ng Las Piñas City Police dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code at Illegal Possession of Fire Arm matapos itong makuhanan ng baril na walang lisensiya.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nalaman na ang suspect umano ang responsable sa pananaksak at pagpatay sa biktimang si Dr. Harivelle Charmaine Tapaoan Herbando, 62, dean ng College of Medicine, University of Perpetual Help, Las Piñas City, na naganap noong Biyernes (Mayo 11, 2018), alas-2:25 ng mada-ling araw mismo sa tinitirhan nito sa Molave St. Doña Manuela Subdivision, Brgy. Pamplona 3 ng naturang siyudad.

Ayon sa report, ipapa-medical sana ang suspect na si Lava nang bigla umano itong nang-agaw ng baril sa isa sa mga police escort nito dahilan upang paputukan ang suspect ng mga pulis hanggang sa duguan itong bumulagta.

Matatandaan na una nang nadakip ng mga pulis ang mga kasabwat ni Lava na  sina Juvy Bandoy Acero, alyas Tata,  43, kasambahay ng biktima at ang live-in partner nitong si Dindo Engcoy Legario, 39.

vuukle comment

DR. HARIVELLE CHARMAINE TAPAOAN HERBANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with