_ngayon
^

Metro

Ex-convict, itinumba ng drug syndicate

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang ex-convict matapos na  pagbabarilin ng mga hinihinalang drug syndicate sa loob mismo ng bahay nito sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Angelito Matunan Cruz, 52, residente ng Margarita St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa pahayag ni PO3 Geroge Caculba, ng CIDU-QCPD, ang pamamaril ay naganap dakong alas-9:40 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa testigo nakita niya ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo at huminto sa tahanan ni Matunan.

Ilang sandali lamang ay nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at pagka­tapos ay muling nakita ang mga suspek na kapwa nakasuot na ng bonnet  at nagmamadaling sumakay sa kanilang motorsiklo na walang plaka saka tumakas.

Nabatid na ang biktima ay nakulong noong Disyembre 2016 sa Quezon City Jail at kalalabas lamang nito noong nakalipas na taon dahil  sa kasong pagtutulak ng iligal na droga.

Hinala ng pulisya, ang mga miyembro ng sindikato sa iligal na droga ang nagpatumba sa biktima upang patahimikin at hindi na ito ‘kumanta’ pa.

EX-CONVICT SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with