Japanese Landing Ship Osumi, dumaong sa Maynila
MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa South Harbor sa lungsod ng Maynila ang Japan Maritime Self–Defense Force (JMSDF) vessel JS Osumi (LST -4001 ), isang Osumi classtank landing ship para sa dalawang araw na port call visit nito sa bansa.
Ayon kay Philippine Navy Captain Lued Lincuna, Spokesman ng Philippine Navy na ang nasabing landing ship ay may 150 officers at crew.
Sinabi ni Lincuna na ito ang ikatlong pagbisita ng JMSDF ship sa bansa sa taong ito.
Nabatid na unang bumisita sa bansa ang JS Amagiri ng Japan noong Pebrero at sinundan naman ng JS Akizuku na dumating sa Subic, Zambales may dalawang linggo na ang nakalilipas.
“Landing Platform Dock, JS Osumi was here in the Philippines last 2013 together with extra-regional navies to give assistance in the HADR operation efforts after Typhoon Hainan devastated the country”, ani Lincuna.
Samantalang sinalubong naman ng mga opisyal ng Philippine Navy ang mga counterpart ng mga ito sa Japanese Navy . Kinatawan ni Captain Dennis Rommel Quines si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad na nagsagawa ng welcome ceremony sa mga opisyal ng kaalyado nitong puwersa.
Inihayag ni Lincuna pinangunahan naman ni Captain Tomonori Kobayashi, Commander of Landing Ship Division One, JMSDF at Captain Yuji Horikawa, Commanding Officer of JS Osumi (LST 4001) ang delegasyon ng Japan na magsasagawa rin ng courtesy call kay Empedrad.
- Latest