^

Metro

Mag-asawang ‘tulak’ tiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang mag-asawa na sinasabing ‘tulak’ ng droga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga tauhan  ng Quezon City, kahapon  ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang mag-asawa na sina Bobby Menzon, 52 at Loreza Menzon, 47 ,  kapwa residente ng Camarilla St., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Ang mag-asawa ay nadakip ng grupo ni Cubao Police Station (PS-7) PSupt Louise Benjie Tremor and PDEA-NCRO. Bobby Menzon dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Nabatid na una nang sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ ng QCPD ang mag-asawa at nangakong magbabago na.

Pero namonitor ang mga ito na ipinagpatuloy pa rin ang kanilang pagbebenta ng bawal na gamot kaya sila inaresto. Nakuha sa mag-asawa ang 13 plastic sachet na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng P50,000.

Sa ngayon ay nakakulong ang mag-asawa sa QCPD Station 7 detention cell at nahaharap sa kasong drug pushing.

vuukle comment

DRUG BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with