^

Metro

Narco-politicians sa listahan ni Digong, tumaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 93 narco-politicians ang kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, na nasa 93 ang mga local go-vernment officials na may posisyong  mayor, vice mayor, congressman, governor at vice governor ang nasa administration’s narcolist.

“Nire-revalidate namin, confirming ang pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drugs. Tinatapos pa namin. Basta nasa PRRD list ka, you are involved kasi naka­lagay dun validated,” dagdag pa ni Aquino.

Sinasabing tumaas ang naturang bilang na mula sa initial na 87 indibiduwal na nakumpirma na noong nakalipas na Disyembre ng nagdaang taon.

Idinagdag pa nito na may anim na mayor pa ang nakumpirmang dawit sa illegal drug activities kaya sila nadagdag sa drug list.

Gayunman, sinabi ni Aqui­no na hindi nila ire-release ang mga pangalan ng high ranking narcopoliticians, habang inihahanda pa ng administrasyon ang adjucation o delisting process sa kanila.

Magugunitang nakahanda namang ilantad ng PDEA ang narcolist ng mga bara-ngay officials na sinasabing sangkot sa illegal drug trade matapos silang bigyan ng ‘go signal’ ng Malacañang na ilabas na ang mga pangalan.

“Ang order sa kin ay bara-ngay, nagkataon kasi barangay elections so focused tayo sa barangay. Hintayin natin ang local elections baka i-publish ko rin,” pahayag pa ni Aquino.

vuukle comment

NARCO-POLITICIANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with