^

Metro

Kelot hulog sa hukay ng DPWH, tigok sa lunod

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinihinalang nahulog at saka nalunod  ang isang lalaki matapos matagpuan ang lumulutang nitong bangkay sa malaking hinuhukay na  drainage ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Sa pamamagitan ng nakuhang ID sa kanyang bulsa, nakilala ang biktimang si Rodie Moreno, 29, ng Golden Acres, Brgy. Talon Uno, Las Piñas City. 

Base sa imbestigasyon ni P02 Erwin Balmeo, ng Parañaque City Police,  mag-aalas-9:00 kahapon ng umaga nang matuklasan ng ilang bystanders ang bangkay ng lalaki,   na nakalutang ang ulo at may dalang bag pack mula umano sa malaking hinuhukay na drainage ng DPWH sa kahabaan ng Quirino Avenue, Brgy. San Dionisio ng naturang lungsod.

 Mag-aalas-10:00 ng umaga nang ma­iahon ng rescue team ang bangkay na ayon sa pulisya na posibleng lasing ito nang mahulog sa hindi napansing hukay hanggang sa nalunod na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Napag-alaman, na walang nakaharang sa naturang hukay maliban sa tali kaya’t mapanganib sa mga nagdadaan lalo na sa gabi dahil madilim din sa lugar kung saan nahulog ang biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kagawad ng Parañaque City Police sa naturang insidente.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with