^

Metro

‘Rolling Tienda’ ni Joy B, umarangkada ulit sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Rolling Tienda� ni  Joy B, umarangkada ulit sa QC
Pinangunahan ni QC Vice Ma-yor Joy Belmonte at Councilor Gian Sotto ang ‘Rolling Tienda para sa Masa’ na nagpapaabot ng commercial rice sa mga barangay sa murang halaga na isinagawa sa Brgy. Sto. Niño Public Market sa lungsod.
(Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Sa kagustuhang maipa­abot sa masa ang murang bigas, umarangkada ulit kahapon ang ‘Rolling Tienda/Bigas para sa Masa’ ni  Quezon City Vice Mayor Joy Bel­monte kasama ang Department of Agriculture sa  Brgy. Sto Niño at Tatalon sa Quezon City. 

Ito ay ayon kay Belmonte ay bahagi ng kampanya ng tanggapan na maihatid sa mga taga-QC ang quality commercial rice na nagmula sa CALABARZON na may mababang halaga lamang sa kabila ng kakulangan ng NFA rice sa merkado na laan sa mahihirap na mamamayan.

“Ito po ay isang hakbang natin para matulungan na makabili ng murang bigas ang ating mga kababayan, ito po ay commercial rice at hindi NFA rice, pero ito pong commercial rice na ito ay mabibili lamang sa halagang P38 kada kilo. Ang rolling tienda ay mag-iikot sa iba pang barangay hanggang April 30 para maabot din po ng iba pa nating mga kababayan ang  murang bigas,” pahayag ni Belmonte.

Anya, mas affordable na bilhin ang bigas na ito dahil ang commercial rice ngayon ay may halagang P44 hanggang P55 kada kilo.

Sinabi ni Belmonte na kada pamilya ay may alokasyong makabili ng hanggang 10 kilo ng murang  commercial bigas.

May mahigit na sa 3 to­nelada ng commercial rice ang na-dispose ng Rolling Tienda sa ginawang pag-iikot sa QC mula noong Lunes hanggang kahapon kasama ang DA.Unang nai-lunsad ang ‘Rolling Tienda/ Bigas para sa Masa’ sa Brgy. Payatas kasama ang DA na sagot sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglaanan ng murang pagkain ang mamamayan. 

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ROLLING TIENDA/BIGAS PARA SA MASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with