^

Metro

Mga sundalo, 1-taong libre sa MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Abril 25,  libre ang pagsakay sa MRT-3 ng mga opisyal at miyembro ng Armed Force of the Philippines (AFP) at ito ay magtatagal ng isang taon o hanggang Abril 25, 2019.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade, ang isang taong libreng sakay ng mga sundalo ay bilang pagkilala ng MRT-3 sa sakripisyo at kaba­yanihan ng mga sundalo para magkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa bansa.

“Isa sa pinakamahirap na tungkulin ang maging sundalo. Maliit na pabor lamang ito bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo at pagmamahal sa bayan,” ani Tugade.

Nagkaroon na ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) ang DOTr, MRT-3 at AFP hinggil sa isang taong libreng sakay ng mga sundalo.

Kailangan lamang na ipakita ng mga sundalo ang kanilang valid AFP-ID para maka-avail ng unlimited rides sa MRT-3.

Malugod namang nagpapasalamat ang pamunuan ng AFP sa ‘gesture’ sa kanila kaya maglalagay sila ng ambulance at medical teams para magbigay ng assistance kapag nagkaroon ng emergency at crisis situations sa MRT-3.

vuukle comment

ARMED FORCE OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with