^

Metro

P5 -million shabu nasamsam sa drug raid sa Muntinlupa

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
P5 -million shabu nasamsam sa drug raid sa Muntinlupa
Iprinisinta sa Camp Crame ang may limang milyong halaga ng shabu na nasamsam sa isinagawang raid da condominium na tinutuluyan ng isang Chinese drug trafficker na makailang ulit nang nadakip dahil sa drugs subalit ilang ulit ding nakapagpiyansa.
(Kuha ni Joven Cagande)

Target na Chinese nakapuslit

MANILA, Philippines — Umaabot sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5-M ang nakumpiska ng pinagsanib na elemento ng PNP-Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Muntinlupa City Police sa isinagawang raid sa condominium unit ng isang Chinese drug trafficker sa nabanggit na lungsod kahapon  ng umaga.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta nina PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, PNP-DEG Director P/Chief Supt. Albert Ignatius Ferro at iba pang mga opisyal ang nakumpiskang droga.

Bandang alas-5:40 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad, ang condominium unit na pag-aari ng suspect  na si Li Hong Peng  sa Room 323 Rhapsody  Condominium, Buli, Muntinlupa City pero nabigong masakote ang target.

Inamin ni Ferro na si Peng ay minsan ng nasakote sa pag-iingat ng 20 kilo ng shabu pero nakalaya matapos umanong magpiyansa.

Alinsunod sa isinasaad sa Comprehensive Dange-rous Drugs Act 2002 ang pagtataglay ng 10 gramo ng shabu  ay isang non-bailable offence pero sa kabila ng nasakote na si Peng sa 20 kilo ng shabu ay  dismayado ang mga awtoridad dahilan pinalaya ito ng korte matapos na maglagak ng mala-king halaga ng piyansa.

Nabatid na si Peng ay  isa sa mga lider ng drug syndicate ay nasakote na noong Enero 2012 sa San Juan City  matapos na  ito at ang kanyang misis  na si Aina Laquire ay mahulihan ng droga  sa raid sa San Juan City.

Samantalang nitong nakaraang taon ay muling nasakote si Peng sa raid sa Parañaque City pero nakalaya muli nang magpiyansa.

“The President is already looking into this. In a few days time, we will be informed. Actually, we are trying to conduct further in­vestigation to account the judge who allowed bail for such a non-bailable offense,” dismayadong pag-amin pa ni Ferro.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Albayalde na inatasan na niya ang kaniyang mga tauhan upang paigtingin ang kaso laban sa mga drug suspects at upang hindi makitaan ng butas ng mga abogado ang asunto pabor sa kanilang mga kliyente.

“We have to make our cases airtight. In any cases in a buy-bust operation, it is true that there are some technicalities that can be used. So it’s really very important that when we file a case it should be airtight,” ang sabi pa ng Chief PNP.

vuukle comment

DRUG RAID

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with