^

Metro

Adik sa text na mga pulis, kakalusin ni Albayalde

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal ang mga bastos, tamad, adik sa text o walang inaatupag kundi mag-text sa organisasyon ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang binigyang diin  kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na sinabing bukod sa mga pulis na sangkot sa illegal na aktibidades ay target din niyang kalusin ang mga pasaway at  walang disip­linang mga pulis.

Sinabi ni Albayalde na upang irespeto ang isang pulis ay kailangang pairalin din ng mga ito sa kanilang mga sarili ang disiplina bilang mabubuting ehemplo na pangungunahan ng kaniyang liderato.

Inihayag ni Albayalde na asahang marami pa ang masisibak kung patuloy na masa-sangkot sa illegal na aktibidades ang ilang mga ‘misguided souls’ sa PNP gayundin ang mga walang disiplina.

 “Yes, they will expect ( revamp on a bigger scale ) not unless magbago ang ating kapulisan. Kahit mambastos ng tao, yung mangotong, extort, hindi  naka helmet, pa-text text sa kalsada lahat yan we will address that basta may nahuli minimum diyan suspension”, ani Albayalde na ang  pinakamabigat na kaparusahan ay ang pagsibak sa serbisyo sa mga mapapatunayang guilty.

Sinabi ng opisyal na kapag mayroong isang nagrereklamo na pumunta sa mga himpilan at sinagot ng mga pulis na walang gas, walang imbestigador  ay iimbestigahan ang mga ito at maging ang kanilang hepe.

Inihayag ni Albayalde na papatawan ang mga kinauukulan ng sapat na kaparusahan mula pagkakasuspinde sa tungkulin at pagkakasibak sa serbisyo.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na ma-ngilan-ngilan lamang ang mga pulis na sangkot sa illegal na aktibidades at mga pasaway .

“Ang gusto nga natin not only the misguided souls but also the attitude change, it’s the culture change. When we give public service it should be fast and swift”, anang PNP Chief.

Samantala, inatasan na ni Albayalde ang PNP-Internal Affairs Service na pabilisin ang imbestigasyon sa mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo at ng mapatawan kaagad ang mga ito ng kaukulang kaparusahan.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with