^

Metro

Auditor ng homeowners, pinatay sa loob ng bahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis matapos na pasukin sa loob ng kanyang bahay at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City,  kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Maria Theresa Malaraya Paa, 57 , auditor ng Home Owners Association (HOA) at residente ng   Livelihood St., Area C, Talanay, Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Marvin Masankay, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-7:00 ng gabi nang pasukin ng suspek na armado ng baril ang tahanan ng biktima saka walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Ayon kay Leonila Malabanan, kapitbahay ng biktima, nanonood siya ng telebisyon nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril sa tahanan ng pamilyang Paa.

Dahil dito ay lumabas siya ng kanyang bahay at nagtungo sa bahay ng biktima at doon ay nakita niyang duguan nang nakabulagta si Paa. Hindi na umano niya nakita ang may kagagawan nang pamamaril.

Agad namang ipinagbigay alam ni Malabanan ang nasabing krimen sa kanilang barangay sa Batasan Hills na siya namang nag-report sa pulisya.

Hinala ng mga awtoridad na may kinalaman sa pagiging auditor ng biktima sa HOA ang motibo sa naganap na krimen.

Nakuha ng mga tauhan Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa ginaganapan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng di-pa malamang kalibre ng baril.

vuukle comment

HOME OWNERS ASSOCIATION

PINATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with