^

Metro

Anak ng dating konsehal namatay sa sariling baril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang 20-taong gulang na anak ni dating Quezon City Councilor Bong Suntay matapos umanong aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang sari-ling baril habang nililinis nito sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinila-lang si Lorenzo Gabriel Suntay, binata, estudyante ng Dela Salle University na kumukuha ng Business Administration at nakatira sa No.23-A Mariposa St., Brgy. Bagong Lipunan, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Emely Pepito, 42, stay-in housemaid ng pamilyang Suntay, dakong alas-3:00 ng hapon nang makita niyang wala nang buhay ang biktima sa loob ng CR.

Sinabi ni Emely, huli niyang nakita ng buhay ang biktima sa loob ng kuwarto nito at naglilinis umano ng kanyang 20-gauge Bird’s Shot Gun.

Ani Emely, lumabas siya ng bahay para bumili ng makakain sa tindahan pero pagbalik nito ay wala na ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto kaya hinanap nito para kumain hanggang makita sa loob ng CR at wala ng buhay, katabi ang Emporter  Perazzi Shot Gun na may serial No. 64792.

Agad na inireport ng katulong sa pulisya ang insi­dente na mabilis namang nirespondehan nina P/Sr. Insp. Joseph Infante at PO3 Marlon Dela Vega ng Scene of the Crime Ope­ration (SOCO).

Nabatid na may tama ng bala ng shot gun sa ulo ang biktima at nakuha sa tabi nito ang nasabing baril, may isang slug at bala.  

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may ‘foul play’ sa naganap na insidente. 

Ayaw namang magbi­gay pa ang pahayag ang pamil­yang Suntay sa na­ga­nap na insidente.

vuukle comment

AKSIDENTENG MAKALABIT ANG GATILYO

BONG SUNTAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with