^

Metro

Chinese drug syndicate isumbong sa pulisya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Apela ng bagong NCRPO chief sa publiko

MANILA, Philippines — Umapela sa publiko si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Camilo Cascolan na ipagbigay-alam agad sa pulisya ang impormasyon kung may nalalaman sila laban sa Chinese drug syndicate.

Apela ni Cascolan na, kung maaari, lahat ng komunidad ay magbigay ng  impormasyon kung ano man ang nangyayaring hindi kanais-nais sa kanilang mga lugar at ireport agad ito sa pulisya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nakasabat ang pulisya ng milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na droga mula sa Dragon Wu syndicates kung saan nadiskubre rin ang kanilang laboratoryo sa isang warehouse sa Malabon at Marikina.

“Sana ho ang lahat ng komunidad ay magbigay ng impormasyon kung ano man po ang nangyayaring hindi kanais-nais sa inyong lugar, ireport niyo po agad sa kapulisan,” ayon pa kay  Cascolan.

Dahil sa pagkakadiskubre ng shabu laboratory kaya naghain si Malabon Rep. Frederico Sandoval ng isang resolution sa Kamara.

Sa ilalim ng nasabing resolution ni Sandoval, hiniling nito sa House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na imbestigahan ang Dragon Wu drug ring na umanoy may ugnayan sa Golden Triangle drug cartel na kumikilos sa Thailand at Myanmar.

vuukle comment

CHINESE DRUG SYNDICATE

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with