^

Metro

Bangkay ng matanda nilalapa ng mga daga nang matagpuan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilalapa ng mga daga nang matagpuan ang bangkay ng isang matanda na may tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa gilid ng isang gasolinahan sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Eliseo Tuazon Samia, 69-anyos, taxi driver at naninirahan sa No. 32A Gen. Malvar St., TS Cruz compound, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni  PO3 Virgilio N. Mendoza, ng CIDU-QCPD, natagpu­an ang bangkay ng matanda dakong alas-4:00 kahapon ng madaling araw sa madilim na bahagi ng  Susano Road malapit sa Shell gasoline station.

Ang biktima ay tadtad ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan at natagpuang pinagpipista- han na ng mga daga.

Sinasabing nagpapatrul­ya ang mga tauhan ng Novaliches police station nang maispatan ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya  para matukoy kung sino ang salarin at kung ano ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BANGKAY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with