^

Metro

3 timbog, 2 pa binitbit sa nakumpiskang shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 10 ang isang residential house, sa Sta. Maria, Paco, Maynila, kaha­pon ng hapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Robert Domingo, hepe ng MPD-Station 10, nag-aplay sila ng search warrant at inis­yuhan naman ni Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge Thelma Bunyi-Medina, kaugnay sa mga impormasyong pagbeben-ta ng iligal na droga sa Green Village, Barrio Sta. Maria, Paco.

Ala-1:45 ng hapon nang salakayin sa pangunguna ni Senior Insp. Edwin Fuggan ang bahay ng mga suspek na sina Jerald Mark Lara, Danilo Lara, at Jesus Lara at inabutan din sa bahay nila ang dalawang babae na isinasailalim sa beripikasyon.

Narekober sa drawer ng bahay nila ang ilang sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000 bu­kod pa sa nakumpiskang kalibre .38 at isang replica ng kalibre .45 sa isa sa mga kuwarto ng bahay.

Nabatid na pakay lamang sa search warrants ang mga droga at ang nagtutulak umano na si alyas “Jayjay”.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with