^

Metro

Obrero nilamon ng lupa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang obrero ng Maynilad habang isa ang nasa malubhang kundisyon makaraang matabunan sila ng gumuhong lupa sa ‘excavation project’ sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Erwin Cuenca, 20, binata, ng Tulay 4, Daang Hari, Bacog, Navotas City habang nakaratay naman sa Caloocan City Medical Center si Ritzel Frilles, 37, ng Judge Jimenez Street, Kamuning, Quezon City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, nasa kasagsagan nang paghuhukay ang mga obrero sa ‘excavation project’ ng Maynilad sa kanto ng Reparo at Tirona Street, Brgy. 145 Bagong Barrio nang gumuho ang bahagi ng lupa at natabunan ang dalawang biktima.

Agad namang sinaklolohan ng mga kasamahan ang dalawang biktima ngunit bahagyang natagalan ang paghuhukay sa kanila dahil sa maputik ang lupa. Nang maiahon, mabilis na isinugod ang dalawa sa CCMC ngunit hindi na umabot ng buhay si Cuenca dakong alas-5:20 na ng hapon.

vuukle comment

MAYNILAD WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with