Operasyon ng MMDA mapapadali sa NITEx
MANILA, Philippines — Mas mapapadali umano ang magiging operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagmamantina ng daloy ng trapiko sa sandaling maitayo at mayari na ang bus terminal sa bahagi ng Bocaue, Bulacan na tatawaging North Integrated Transport Exchange (NIT-Ex) dahil bawal nang makapasok o makabiyahe sa Metro Manila ang mga provincial bus.
Anila, isa aniya sa nakakadagdag ng pagsisikip ng trapik sa Metro Manila ay ang mga provincial buses na bumabagtas o bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan.
Nabatid na mula NIT-Ex ililipat ang mga pasahero sa city bus papasok sa Metro Manila.
Malapit din ang nasabing NIT-Ex sa itinatayong terminal ng Metro Rail Transit 7 sa bahagi ng North EDSA.
- Latest