Manugang pinatay ng biyenan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

Ayaw sustentuhan ang mga anak

MANILA, Philippines — Patay ang isang 28-ta-ong gulang na mister makaraang hatawin ng dos por dos sa ulo at katawan ng kaniyang biyenan matapos silang magtalo nang umano’y tumanggi ang biktima na magbigay ng suportang pinansyal para sa kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ng suspek sa Barangay Santolan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ay nakilalang si Michael Pacurib, 28, at residente ng 43 Sgt. De Leon Street, sa Barangay Santolan bunsod nang tinamong  ‘head injuries’.

Ang suspek na tumakas na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad ay nakilalang si Zosimo Nelvida, 60, ng naturang lugar.

Sa ulat ni PO1 Oliver Ba­quiran, kay Pasig City Police chief P/Senior Supt. Orlando Yebra Jr., nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang pagpatay sa Sgt. De Leon Street, sa Barangay Santolan.

Sa salaysay sa pulisya ni Jenita Pacurib, kapatid ng biktima, lumilitaw na bago ang krimen ay nag-uusap ang biktima at suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Maya-maya ay nagulat na lamang si Jenita nang makitang paulit-ulit nang hinahataw ng matanda ang biktima kaya kaagad umano siyang humingi ng tulong mula sa mga kapitbahay.

Ayon kay Baquiran, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima upang humingi ng suportang pinansiyal para sa kanyang dalawang apo na mga anak ng biktima at kasalukuyang nasa pangangalaga ng suspek matapos na iwanan na rin ng kanilang ina, nang maghiwalay ang mag-asawa. Pero tumanggi ang biktima.

Ikinagalit ng suspek ang pagtanggi ng biktima na magbigay ng suportang pi­-nansiyal sa mga bata kaya nagdilim ang paningin nito na nauwi sa pagpatay.    

HEAD INJURIES PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with