2 pulis na natakasan ng preso sinibak
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggal sa puwesto ni Quezon City Police District Director P/Chief Supt. Guil-lermo Eleazar ang dalawa nitong tauhan matapos matakasan ng isang preso na may kinakaharap na drug case.

Kinilala ang dalawa na sina PO1 Jayson Landayan at PO1 Randy Yape na kapwa nakatalaga sa Anti-Illegal Drug Enforcement Unit ng Novaliches Police Station 4 ng QCPD.

Ayon kay P/Supt. Carlito Grijaldo, superior nina Landayan at Yape, noong Sabado ng alas-12:00 ng tanghali ay nakatakas ang tulak ng droga na si Jhan-Jhan Abacian, 21, na nadakip sa buy bust ope­ration sa Kingspoint Subd., Katipunan Ave. Novaliches.

Nabatid na ine-escort ng dalawang pulis si Abacian kasama ang ilan pang preso galing sa inquest proceeding sa Quezon City Prosecutor’s Of­fice noong matanggal ang posas nito habang sakay ng police mobile car sa Quirino Highway.

Sinamantala ni Abacian ang pagkakataon na tumalon mula sa sasakyan at mabilis na tumakbo patungo ng Sauyo market hanggang hindi na mahabol at matagpuan ng dalawang pulis.

Naglunsad na ng manhunt operation ang mga tauhan ng QCPD laban kay Abacian habang ang dalawang pulis  ay nahaharap na rin sa kasong administratibo.

DRUG CASE QUEZON CITY POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with