Negosyante na umaming scammer, nakalaya na
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakalaya na ang negos-yanteng umamin sa pagi-ging ‘scammer’ niya makaraang makapagpiyansa sa tulong ng kanyang mga kaibigan na umano’y patuloy na naniniwala sa kanya.

Nakalabas ng kulungan nitong nakaraang Abril 13 si Christian Albert Gaza, 24-anyos, makaraang makalikom ng sapat na pera para sa itinakdang P160,000 na piyansa.

Unang sumuko si Gaza sa Malabon City Police nitong nakaraang Huwebes, Abril 12, dahil sa dalawang warrant of arrest na inilabas ng Malabon City Trial Court Branch 56 at 120 dahil sa 19 na bilang ng pag­labag sa ‘anti-bouncing checks law.’

Nakilala si Gaza bilang isang negosyante na nag-alok ng ‘coffee date’ sa aktres na si Erich Gonzales sa isang billboard advertisement. Tinanggihan naman   ito ng aktres.

Nag-ugat ang mga kaso base sa reklamo ng mga negosyanteng si Jame Asuncion at Melinda Cruz na nahikayat na maglagak ng investment sa mga ne­gos­yong ‘coffee shop’ at ‘financing company’ ni Gaza ngunit hindi naibigay ang pangako na kabayaran.

SCAMMER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with